Powered By Blogger

Friday, 11 November 2011

....

                i cant help it. :'( sabi ko i would never cry over that guy ulit. ayan tigil na. i should've seen this coming. nako naman talaga. kung may babae mang pinanganak ata kasunod ni tandang sora, ako na yon. sa sobrang martyr. nakakaloka na. i wont write everything on detail. oh f*ck! im crying again. boset!

                there is nothing that i would write na di ko pa nasabi before. sabi nga nila, paulit ulit lang ako. for four years ganito kami. parang aso't pusa na naghahabulan. i knew he was looking for something else, i wasnt good enough. although i think i had offered him enough pero di pa din pala yun sapat. akala ko lang. ang tanong ko, hanggang san ba masasabi na sapat na? na "the best ko na yan ha." wala na kong maibibigay sayo. kasi feeling ko, im owning to something na di ko naman talaga na achieve? na nagffeeling lang ako na martyr? pero hindi naman pala. kulang pala. and how do we really let go? i wanna know. yung tipong di ka matitinag kahit sabihing papakasalan ka pa. gusto ko yung ganung tipo ng moved on attitude.

                 i was the girl who always had faith on him. (iyak.) kahit nung mga times na akala nya galit sa kanya yung buong mundo, na wala syang kakampi, i was there. i was always there para sabihin na "magkakampi tayo." kahit mali sya, kakampi nya ko. he knew my darkest secrets. nakakainis. (iyak madami) the fact that we shared the longest of times together breaks me. (ngawa na.) alam mo yung nagiisang taong pinaglaanan mo ng ganung klaseng pagmamahal. sobra. nakakapanghina. i've tried to leave. before. but i end up leaving the other guy for him ulit. it was like that, paulit ulit. sabi nga nila. but i didnt mind. kahit nakakahiya na lagi kong kinakain lahat ng sinasabi ko na i would never accept him again. go pride! gone. sometimes yung reason kung bakit kami nagbbreak, malalaman ko na lang nauna pa lang malaman ng buong barkada nya, na nakakasama ko naman pero kaya pa din akong tingnan sa mata. minsan naiisip ko, ano kayang tingin nila sakin? "antanga lang ha." pero i dont mind. i just want to be with him. yun lang. masaya nako. simple lang naman yung happiness ko, louboutin shoes saka chanel dress plus, sya na din. (natawa na naiiyak) siguro nga wag ipilit. we were broken a long time ago, kahit anung hirap na ayusin, kahit magkabalikan pa, may lamat na. i was just hoping na..... (iyak madami.) sya na kasi yung gusto ko.. (ngawa) ayoko na ng iba. that part of me wanted to stay, pero may part na enough na. nakakahiya na sa mga kaibigan kong paulit ulit na nagsasabi ng tigilan na eh ang pilit ko pa din. (kalma na.)

             nanghihinayang ako sa relationship ko sa family nya. they were soooo nice to me. wala kong masasabi pang iba. minsan lang yun, na kasundo mo lahat pati si momy nya. (nakatabi ko na sya matulog, ang hirap. haha) yung feeling na, gustong gusto ka. :D na pag may ibang dinadala na girl, tatadtarin ng lait? :D kunswelo na lang yun sakin siguro. pinaglaanan ko ng panahon yung anak nila eh. haha anyway, wala ko masasabi sa family nya kundi thank you for accepting me as a part of them. the best. wala na yata kong mamimeet na makaka top sa kanila.

             kung lalawakan natin ang pag iisip natin, wala ng sakitan. ganun talaga eh. wag ng isipin na mahalaga ka sa isang tao hanggat wala pang napapatunayan. the mere fact na paulit ulit ang mga pangyayari, it only shows one thing, tumigil na. minsan naka receive ako ng text sa kanya, ans sabi "mahal kita sa paraang alam ko." well, hindi ko alam kung anung klase yung paraan nya, pero kumagat ako. sugal kung sugal. kahit di ko alam na ang paraan nya eh yung paraan na bago sakin. seriously, di ko magets.

                 ----- that one time na dinaanan kita sa school mo, nagantay ako. di ka nagrereply. after 30mins nagtext ka, tulog ka pala. epic fail.
                 ----- nung niyaya kita manuod ng movie, sabi mo lalabas ka lang saglit. may bibilin ata? bumalik ka gabi na. nganga.
                 ----- iiwan mo ko ng mga 2 hours sa bahay nyo para maglaro ng basketball. o.O
                 ----- papabayaan mo kong umupo katabi yung mga friends mo at hindi ikaw, pag kasama natin sila.
                 ----- for a month di mo ko itetext, pag nagtext ka lalabas ako kahit anung oras para lang makapg load dahil minsan lang ung text.
                 ----- magkaiba yung kasama natin nung manood ng twilight ba o new moon?
                 ----- videoke session kasama sila momy mo.
                 ----- kainan session kasama sila momy mo.
                 ----- inuman session kasama buong angkan nyo. pati yung lola mong umiinom ng lights at RH. hanep ka nanay ayong.
                ------ si kitsch from 2005.
                ------ yung mug from 2005.
                ------ mami at piatos.
                ------ iyakan session
                ------ maduduming paa (laugh trip)
                ------ basketball games (cheerleader ang lagay)
                ------ nakahiga ka sa sahig, ako sa sofa. walang magawa. nagtatawanan habang pinakinggan yung mga kanta ko na nirecord. (pyramid- tinde.)
                ------ mga pasko at new year na di tayo magkasama kasi mas gusto mo kasama mga friends.
                ------ yung silent hill movie na nakatulugan natin kahit nakakatakot.
                ------ pinainom ka ni papa ng isang shot ng rum at nalasing. :D
                ------ kahhiyang dinulot sakin everytime sasabihin ng tatay mong magpakasal na tayo at mag anak. :|
                ------ the fact that i've known you since 1st year high school. rejected you nung 4th year, then fell for you nung 2nd year college. i never recovered.
                ------ the dancing. :D
                ------ the letters.
                ------ pictures na muka pa kong lalaki. thanks to you dahil you took it nung nagsasayaw kami. ty.
                ------ we had a fight. break up na. but di ako pumayag, we ended up crying. tas bati na. then dancing to the tune of you singing "ill never go." eeewww.
                ------ chatted with me while we are in the same computer shop dahil nahihiya ka kausapin ako.
                ------ the full blown smile. labas buong frontal teeth pati bagang?
                ------ rare pictures of me and you
                ------ that particular photo of me and you. :D
                ------
      in 2 hours, natapos ko 'tong post ko. may intermission number eh. ill cut all ties. im planning on changing numbers. (i cannot let go of my 0921 addict mobile from 2004 pa)  delete all his family member's numbers. and ill delete him. STARTING OVER SUCKS!

No comments:

Post a Comment